Dalawa sa sinusubaybayan ko ang Nathaniel at the Voice Kids Philippines. Natutuwa kasi ako dun sa batang naghahanap ng aso niyang si Dexter at siyempre idol ko kasi si Coach Bamboo. (Sana si Altair at Benedict ang piliin nya na makapasok sa live shows at sana sa Kamp Kawayan manggaling ang Grand Winner). Isa pang sinusubaybayan ko ang Pepito Manaloto. Ayos kasi ang palabas. Nakatatawa pero hindi nakababastos. May mga matututunan ka pa. Ok din naman kasi si Michael V.
Pero nito lang biglang sumikat si Yaya Dub. Lalo na ng nakatambal nya si Alden. Napanood ko sa Youtube yung aksidenteng na-focus kay Alden yung kamera at kinilig siya. Aminin ko sa edad kong 34, kinilig ako sa kanila na para akong teenager. Pati ang mama ko nakatutok sa TV kapag Eat Bulaga. Pero dahil may pasok ako, madalas sa youtube ko na lang din napapanood ang #kiligpamore kalyeserye nila. Sa totoo lang di naman ako mahilig sa dubsmash. Napanood ko na lang si Yaya Dub sa Eat Bulaga na. Saka ko na lang din pinanood ang mga videos niya. Pero namangha rin ako sa biglang pagbulusok ng kasikatan ni yaya at ang tambalan nila ni Alden. Masasabi ko na sila ang pinakasikat na love team ngayon sa television. Maaring nagustuhan ng masa ang konseptong ito. Bago kasi ang dubsmash at kalyeserye sa television. Nakawawala ng stress. Siguro dahil na rin sa dami ng problema ng mga Pilipino, kahit man lang tatlumpung minuto ay humalakhak sila sa harap ng television o sa computer man.Sa totoo lang, maganda rin naman si Yaya Dub. Natural ang kilos. Mukhang hindi maarte. Siguro naka-relate ang masa sa kanya. Sana sa kasikatan niyang ito, hindi siya magbago. Alam ko, hindi lang naman ako ang napahanga at napamahal kay yaya kundi ang sambayanang Pilipino. Aabangan ko talaga ang pelikula nila ni Alden. Gusto kong pasalamatan ang TVJ at ang buong Eat Bulaga Dabarkads dahil sa panibagong ambag nila sa industriya ng telebisyon. Lalu't higit kay Donya Ni Dora. Naniniwala ako na isa ka sa dahilan ng tagumpay ng AlDub love team. Babala.... asawa ni Babalu.... Babu ....